Payo ng Hindi Eksperto
Kapag iniwan ka ng taong mahal mo para sa iba, wag mo nang asahang babalik pa siya.
Parang tren lang yan. Kapag puno na ang tren, wag ka nang makipagsiksikan, baka maipit at masaktan ka lang. Wag mo ring aasahang babalik ang tren na yun para makasakay ka, tandaan mo walang U-turn ang riles ng tren. Wag ka ring umupo na lang sa isang tabi sa kakahintay, sayang lang ang oras mo. Sa halip, tumayo ka at hintayin mo na lang ang susunod na buyahe. Sigurado namang may susunod pang tren eh.
Wag mo nang isipin yung nang-iwan sa’yo. Gugustuhin mo bang habang siya masaya, ikaw naman nagdurusa sa sakit? Kalimutan mo na lang. May darating din para sa’yo. Kalma lang.
Hindi naman ako eksperto pagdating sa pag-ibig na ‘yan, kahit naman papaano may alam din naman ako ‘no.






